May 19, 2021

Simula ngayon, magsusulat ako sa Filipino (Starting today, I'll write in Filipino)

(English translation will just be for this journal entry.)

Grabe, ito ba talaga yung ika-100 entry ko? Ambilis ng panahon naman...

Sa totoo lang, matagal ko na 'tong gustong gawin. Kaso lang, may pasok ako noon. Ngunit di na! kasi natapos ko na ang pinakahuling pagsusulit ko, yehey! Ginagawa ko 'to dahil nais kong ipakita ang pagmamahal ko para sa aking pambansang wika at magpraktis kasi di ko pa bihasa. Malaking problema na nating mga kabataan at ng bagong henerasyon yan, noh? Andaming Pilipinong mas kumportable pang makapagpahayag ng sarili at mag-usap sa pamamagitan ng Ingles, pati na rin ako - nakakalungkot at nakakahiya talaga :( 

Susubukan kong maiwasan ang pag-tataglish pagkat talagang napakaganda ng wika natin kapag sinulat at binigkas sa anyong dalisay nito. 

Maging mabait at patuloy na magsikap! (Pasensya po kung asiwa yung sulat ko. Baka kailangan ko nga gamitin ang mga salitang Ingles, huhu. Paturo po sakin kung paano ako mapabuti!)

Damn, is this really my 100th entry? Time flies so fast...

Honestly, I've been wanting to do this for a long time. However, I had school then. But not anymore! since I finally finished my last exam, woohoo! I'm doing this because I want to show my love for my national language and to practice because I'm still not fluent. It's been a big problem for us young people and the new generation, huh? There are a lot of Filipinos, myself included, who are more comfortable with expressing themselves and conversing in English - it's really quite sad and embarassing :(

I'll try to avoid using Taglish because our language is actually very beautiful when written and spoken in its pure form.

Be kind and keep striving!

p.s. - gusto mo ba yung bagong pfp ko? larawan ng pusa namin hahaha

Written by Quarter

98 Views
Log in to Like
Log In to Favorite
Share on Facebook
Share on Twitter
Comments
JustMegawatt
Posted On May 19, 2021

Siempre fluent ka sa Tagalog. Galing rin ako sa Filipinas. Pag intinde mo ang Tagalog, isip ko ay fluent ikaw. Ako naman isip ko fluent ako dahil intindi ko kahit saan. Tama ka, yung magulang ko gusto mag salita lang ako ng English, isip nila masama ang Tagalog o hindi mas maganda. Yung mga pinsan ko dito sa U.S. wala sila alam na Tagalog.

Quarter
Posted On May 19, 2021

@JustMegawatt Wow! Di ko alam na nagtatagalog ka pa rin! Ang galing naman, tatlong wika haha. Sa tingin ko hindi ako bihasa kasi palagi kong ginagamit ang mga diksyunaryong online. Kaya, baka mukhang magaling ako.

JustMegawatt
Posted On May 19, 2021

@Quarter haha ya tagalog rin ako. Tatlong wika, pero magaling lang ako sa English atsaka Tagalog, mahirap ang Spanish ko talaga. Mahirap talaga hindi mag Taglish. Okay lang mag gamit nang diksyunaryo, gamit ko rin, dahil mahirap e baybayin ang marami mga salita. Pero pag salita sa buhay, siempre hindi ko gamit ang diksyunaryo. Kailagnan ko palagi mag gamit nang diksyunaryo sa Spanish, duon hindi ako mashado maganda.

s_t_4_r
Posted On May 29, 2021

Matagal ko na rin itong gustong gawin, dahil sa aking napanood na interbyu ng Asian Boss. Sinusuportahan kita. Sana makamit mo ang iyong ninanais 🤗 Natutuwa ako na gusto mong maging bihasa sa sarili nating wika, dahil napapansin ko sa mga kabataan ngayon ay hinahangad na maging bihasa sa Ingles, kaya naiiwan ang sariling wika.

p.s. ang kyut ng pusa ninyo hehe. Sanaol po may pusa😂

You must be signed in to post a comment!