March 31, 2022

ang aking paghanga sa sining

Naging interesado ako sa pagguhit dahil naimpluwensyahan ako ng aking mga kaibigan. Si Bea ay mahilig gumuhit ng kanyang mga oc's, at karaniwan niyang iginuguhit ang mga ito sa paraang furry style. Si Richelle ay mahilig sa anime, kaya karamihan sa kanyang mga guhit ay mala-anime lol. Nagsimula akong gumuhit ng anime at nagustuhan ko ito. Mula sa pag-drawing ng anime hanggang sa mga cartoons, at ngayon ay mga fanarts (at gayundin ang mga gift arts), lalong umusbong ang pagkagusto ko sa pagguhit. Minsan din akong gumuhit ng "realistic drawing" kung tawagin ko ito, ngunit sa palagay ko ay malayo pa iyon bilang realistic. Ang paborito kong gawa (na ginawa ko para sa isang proyekto sa paaralan) ay ang larawan ng isang karakter mula sa aklat na "To Kill a Mockingbird". Inabot ako ng isang araw na tapusin ito. Malayo sa reference ang posisyon ng ulo nito, pero nagustuhan ko ang kinalabasan, gamit lang ang lapis ng Mongol 2 haha. Kasabay ng aking interes sa eastern at western animation, ito ang nagtulak sa akin na gusto kong pasukin ang larangan ng sining. Nung nakilala ko ang iba pang mga tao sa aking buhay na kapareho ko rin ng interes sa pagguhit, ang kanilang mga gawa ay mas mahusay kaysa sa aking gawa. Kaya, mula doon ay medyo nabigo ako, at nawalan ng pag-asa na makapasok sa larangan ng sining. Isinantabi ko na lang ang pagguhit bilang libangan ko. Lumipas ang 3 taon nang mula akong gumuhit muli. Sa wakas ako ay naka-drawing muli ngayong taon. Ang pagguhit ay nagpapasaya sa akin. Dati kinaiinisan ko ang pagkakamali ko, ngayon tinatawanan ko na lang haha. Baka hindi talaga ako para sa art field lol. Pero ginagawa ko pa rin ito kung sakaling hindi ako magtagumpay sa trabaho ko (sa kasalukuyang kursong pinapasukan ko). At isa pa, ang magandang bagay sa aking kurso ay maaari ko itong pagsamahin sa anumang mga interes. Baka tahakin kong maging isang art therapist sa kinabukasan?

Written by s_t_4_r

702 Views
Log in to Like
Log In to Favorite
Share on Facebook
Share on Twitter
Comments

You must be signed in to post a comment!